1,997 bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

Bumaba na sa 29,382 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 1,997 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 1,696 ang naitalang bagong gumaling.

May 238 namang naiulat na bagong nasawi dahil sa virus,kaya umabot na sa 45,272 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 2,815,080 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,740,426 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: