1st quarter Nationwide simultaneous quake drill isinagawa

Muling naisagawa kaninang umaga ang first quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Nasubaybayan ito via online sa NDRRMC at Civil defense ph facebook pages.

Nagpasalamat naman ang OCD at NDRRMC sa mga lumahok .

Ito’y matapos makapagtala ang OCD ng tatlumpu’t limang libong peak concurrent viewers at kabuuang isangdaan at siyamnapu’t limang libong viewers.

Ito ang ika-pitong Online National Simultaneous Earthquake Drill na naisagawa ng NDRRMC mula noong 2020 o pagsisimula ng pandemya.

Nitong Marso a siete ay nagsagawa ng disaster preparedness webinar na tumalakay sa kahandaan ng mga kababaihan, mga kabataan, mag-aaral at senior citizens sa lindol.

Please follow and like us: