2 bagong barko ng PCG, idineploy sa 2-day joint towing exercise sa Manila Bay

Sumabak sa dalawang araw na joint towing exercise sa Manila Bay ang dalawang bagong barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, sumalang sa emergency towing gear, pagpili ng tamang tow line, at tamang pagtapon ng tow lines ang mga crew ng BRP Teresa Magbanua at BRP Melchora Aquino.

Mahalaga umanong matutunan ng mga crew ang tamang paraan ng pagsasagawa ng emergency towing para makaiwas sa aberya.

Sa pamamagitan nito ay masusukat din umano ang kakayahan ng mga bagong barko na ito.

Ang towing exercise na ito ay nagsimula kahapon at tatagal hanggang ngayong araw.

Madz Moratillo

Please follow and like us: