2 Barangay sa Caloocan City, nakinabang sa “ PNP Team, Kaagapay Ko “ Program ng NCRPO

Alinsunod sa programa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na “ Team PNP, Kaagapay ko, Tapat, May tapang, May malasakit sa Mamamayan…. bumisita si NCRPO Chief General Vicente Danao sa dalawang barangay lungsod ng Caloocan kaninang umaga.

Sa pagbisita ni General Danao, sinabayan nito ng pamimigay ng regalo sa mga residente ng Barangay 8 at 12.

Namahagi ito ng mga relief packs at ilang health kits bilang proteksyon laban sa COVID -19.

Photo Courtesy: Brgy Capt. Honesto Gaton

Sinalubong siya ni NPD Director, General Eliseo Cruz at Police Colonel Samuel Mina maging ng mga residente sa lugar na nabiyayaan ng kaunting mga regalo.

Kabilang sa layunin ng programa ay kung papaano makaiwas sa Covid-19, kriminalidad at iba pang ikabubuti ng mga residente sa komunidad.

Edison Domingo Jr., EBC Correspondent

Please follow and like us: