2020 Shari’ah Bar Passers, lumagda na sa Shari’ah Roll of Counselors at Law

Lumagda na sa Shari’ah Roll of Counselors at Law ang mga pumasa sa 2020 Shari’ah Bar Examinations.

Sinubaybayan ni Court of Appeals Associate Justice at 16th Special Shari’ah Bar Chair Japar Dimaampao ang paglagda sa Shari’ah Roll of Counselors at Law ng mga bar passers.

Isinagawa ang roll signing sa Division Hearing Room ng Korte Suprema.

Courtesy: SC PIO

Ang mga dumalo sa online oathtaking ceremony noong March 23 ang tanging pinayagan na lumagda sa Shari’ah Roll of Counselors at Law.

Sumailalim sa COVID-19 antigen testing ng SC Medical Services ang bar passers pagdating sa Korte Suprema.

Mula sa 654 examinees, 71 lamang ang pumasa sa Shari’ah Special Bar Examinations noong nakaraang taon.

Moira Encina

Please follow and like us: