2021 National budget bill, lalagdaan ni pangulong Duterte sa december 28 sa Davao – Malakanyang

Kinumpirma ng Malakanyang na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2021 National Budget Bill na nagkakahalaga ng 4.5 trilyong piso sa December 28.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na magkakaroon ng simpleng seremonya lamang sa budget signing na gaganapin sa Davao City.

Ayon kay Roque magkakaroon ng limang kinatawan mula sa Senado at lima rin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Inihayag ni Roque napakahalaga na bago matapos ang taon ay malalagdaan ng Pangulo ang National Budget upang maiwasan na gumamit ng re-enacted budget.

Niliwanag ni Roque nakapaloob sa 2021 National Budget ang pondo na gagamitin sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 na nagkakahalaga ng 72.5 bilyong piso para sa animnapung milyong pilipino.

Please follow and like us: