2022 Bar Exams, isasagawa sa Nobyembre

Itinakda ng Korte Suprema sa Nobyembre ang 2022 Bar Examinations.

Sa limang-pahinang bar bulletin na inisyu ng Office of the Bar Chair nitong May 31, sinabi na kung walang magiging “unforeseen circumstances and contingencies” ay idaraos ang eksaminasyon sa Nobyembre.

Gayunman, wala pang ibinigay na eksaktong petsa ng bar exams ang Supreme Court.

Batay pa sa bar bulletin, magsisimula ang application period para sa mga kukuha ng pagsusulit mula Hunyo 13 hanggang Hulyo 15.

Online ang paghahain ng aplikasyon sa pamamagitan ng Bar Personalized Login Unified System (Bar PLUS) platform.

Kabuuang Php10,000 ang application fee sa lahat ng aplikante.

Hinimok naman ng SC ang mga interesadong bar applicants na magsumite ng aplikasyon sa pinakamaagang pagkakataon.

Moira Encina

Please follow and like us: