21 inmate , patay sa nangyaring prison riot sa Ecuador

Dalawampu’t isang inmate ang nasawi sa nangyaring riot sa dalawang bilangguan sa Ecuador.

Ayon sa mga awtoridad, nasa limampung iba pa ang nasugatan sa sumiklab na karahasan kabilang na ang ilang pulis.

Nangyari ang isang riot sa isang bilangguan sa Southwest province at Guayas at sa isa pang prison facility sa Central Andean province ng Cotopaxi.

Ayon sa SNAI Prisons management body , labing tatlong inmates ang nasawi sa Cotopaxi prison at tatlumput’t limang bilanggo at anim na pulis ang nasugatan.

Napigilan din umano ng mga pulis at mga sundalo ang planong pagtakas sa nasabing pasilidad ng masa tatlumpu’t isang bilanggo.

Samantala, walong inmates naman ang nasawi sa nangyaring karahasan sa Guayas prison at tatlong pulis naman ang nasugatan.

Magugunitang nasangkot din ang dalawang penitentiaries sa serye ng riot noong Pebrero kung saan pitumpu’t siyam ang nasawi.

Agence France- Presse

Please follow and like us: