21k ng mga bakuna sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette, nasayang

Nasa 21 libong doses ng mga bakuna para sa Covid-19 na nasa mga lugar na tinamaan ng bagyong Odette ang nasayang, matapos masira.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, pinuno ng National Vaccination Operations Center (NVOC), na ang mga bakunang nasira ay nasa IloIlo, Central Visayas, Eastern Visayas, at Caraga region.

Inaasahang tataas pa ang nabanggit na bilang, dahil may Ilang mga lugar na hindi pa nakapagsusumite ng kanilang ulat dahil bagsak pa rin ang linya ng kanilang komunikasyon at maging ng kuryente bunga ng bagyo.

Tinatayang makukumpleto ang ulat sa loob ng isa o dalawang linggo pa.

Please follow and like us: