22 karagdagang Covid-19 cases sa hanay ng mga overseas Filipino, naitala ng DFA

Nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng karagdagan pang 22 Covid-19 cases sa hanay ng mga kababayan natin sa ibang bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 18,479 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa mga Pinoy overseas.

Samantala, may naitala ring bagong 14 na mga nakarekober sa karamdaman kaya naitala na sa 11,306 ang recovered cases.

Habang wala naman naragdag sa mga pumanaw dahil sa virus infection kaya nananatili sa 1,147 ang death toll.

Please follow and like us: