22 lugar sa QC, nasa ilalim pa rin ng Special Concern Lockdown

185551563_573527294035032_378844296082991052_n

Nasa 22 lugar sa lunsod Quezon ang isinailalim sa Special Concern Lockdown (SCLA) dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng Covid-19.

Pero nilinaw ng Lokal na Pamahalaan na partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi ang buong Barangay.

Ang mga apektadong pamilya ay pagkakalooban ng mga Food pack at Essential kits.

Sasailalim din sila sa Swab testing at Mandatory 14-days Quarantine o higit pa kung kinakailangan.