25 yrs Renewal ng prangkisa ng Dito Telecom , pinirmahan na Pangulong Duterte

Pinagtibay na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang renewal ng prangkisa ng Mindanao Islamic Telephone Company o kilala ngayon na Dito Telecommunity Corporation.

Nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11537 na nagbibigay ng panibagong 25 taong prankisa para makapag-operate ang Dito Telecom sa bansa.

Ang Dito Telecom ang ikatlong Telcos na pinahintulutan ng pamahalaan na magbigay ng serbisyo sa larangan ng komunikasyon na naglalayong mapabuti ang internet connection sa bansa.

Magugunitang ikinagalit ni Pangulong Duterte ang palpak na serbisyo ng Globe at Smart sa internet connection kaya pinapasok ng pamahalaan ang Dito Telecom.

Umaasa ang pamahalaan na sa pagpasok ng Dito Telecom ay magkakaroon ng kumpitisyon at mapapabilis na ang internet connection sa bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us: