2,656 bagong kaso ng Covid-19, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health ng 2,656 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, pumalo na sa 2,800,621 ang kabuuang Covid-19 cases sa bansa na may 34,866 aktibong kaso.

Samantala ay mayroon namang naitalang 5,130 bagong mga gumaling kaya umakyat na sa 2,721,516 ang total recoveries sa bansa.

Habang may 154 na bagong pumanaw na naitala ang DOH kaya umabot na sa 44,239 ang kabuuang namatay dahil sa virus infection.

Please follow and like us: