289 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH

Nakapagtala ng 289 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,837,016 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 10,095 ang aktibong kaso.

May 380 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,776,425 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 47 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 50,496 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Please follow and like us: