2nd batch ng Sinovac vaccine, dumating na sa bansa

Lumapag na sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplanong may dala ng mahigit apatnaraang libong doses ng Sinovac vaccine mula sa China.

Ito na ang ikalawang batch ng Sinovac vaccine na bahagi ng donasyon ng China sa Pilpinas.

Ang pagdating ng bakuna ay sinalubong nina Health Secretary Francisco Duque III, vaccine czar Carlito Galvez Jr., Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, at Senator Bong Go, chairman ng Senate Committee on Health.

Sinabi ni Galvez na bukod sa 400 thousand doses ng Sinovac, inaasahang darating na rin mula ngayon hanggang March 26 ang 979 thousand doses ng AstraZeneca.

Bukod pa rito ang karagdagang isang milyong doses ng Sinovac na binili naman ng gobyerno sa halagang 700 million pesos.

Meanne Corvera

Please follow and like us: