3 patay isa pa nawawala sa pananalasa ng bagyong bising

Tatlo ang iniulat na patay habang isa ang nawawala sa pananalasa ng bagyong bising.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, dalawa sa mga biktima ay 47 anyos na babae at 45 years old na lalako sa cebu na kapwa nadaganan ng bumagsak na puno.

Isang 79 anyos naman na lalaki ang namatay dahil sa hemorage matapos tamaan ng isang bumagsak na bagay sa kaniyang ulo dahil sa lakas ng bagyo.

Aabot naman sa 229,829 katao o or 59,098 na pamiilya ang apektado ng bagyo sa Bicol, Eastern Visayas, at Caraga regions.

Mayroon ding 15,813 katao pa at 3,848 na mga pamilya ang namamalagi sa mga evacuation centers.

Samantala, aabot sa 1,022 na mga bahay ang nawasak sa bicol at eastern visayas dahil sa bagyo.

Meanne Corvera

Please follow and like us: