30 pang mga Pulis, nakarekober sa Covid-19

131389477_4876856135688937_1388464112408097845_o

Naragdagan pa ng 30 ang mga pulis na nakakarekober sa Covid-19.

Sa datos ng  Philippine National Police, sinabi na dahil sa mga dagdag na mga gumaling ay umakyat na sa 8,198 ang bilang ng mga recoveries.

Samantala, naragdagan din ang kaso ng Covid-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya na nasa 26 kaya pumalo na sa 8,637 ang kabuuang kaso ng karamdaman.

Mula sa nasabing bilang, 412 ang active cases at wala namang naitalang bagong mga pumanaw dahil sa sakit kaya nanatili sa 27 ang death toll.