367 bagong kaso ng COVID-19, nadagdag sa CALABARZON

Nakapagtala ng 367  panibagong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.

Sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, kabuuang 68,274 na ang kumpirmadong kaso ng COVID sa rehiyon.

Pero, nasa 4,605 na lamang ang aktibong kaso sa CALABARZON.

Ito ay matapos gumaling na ang 61,773 pasyente at pumanaw ang 1,896.

Ang Laguna ang may pinakamaraming confirmed cases na mahigit 18,000 pero nasa 800 na lamang ang aktibong kaso.

Pangalawa naman ang Cavite sa pinakamaraming kaso na mahigit 17,000 kung saan 975 pa ang active cases.

Moira Encina

Please follow and like us: