3rd Batch ng mga bagong Kongresista sumalang sa tatlong araw na orientation sa Kamara

Sumasailalim sa orientation ang ikatlong batch ng mga bagong mga Kongresista na miyembro ng 19th Congress.

Ayon sa House of Representatives Secretariat 58 mga bagong Kongresista ang sumasailalim sa orientation sa tatlong araw na job orientation mula July 11 hanggang July 13.

Kabilang sa itinuturo sa mga bagong Kongresista ang legislative process tulad ng tamang bill filing, parliamentary rules and procedure sa plenary at committee hearing ganun din ang budget deliberation.

Opisyal na magbubukas ang first regular session ng 19th Congress sa July 25 kasabay ng unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Vic Somintac

Please follow and like us: