4 patay, 3 sugatan sa karambola ng truck at 2 tricycle sa Pagbilao, Quezon

Apat na katao ang kumpirmadong nasawi habang tatlo naman ang nasugatan makaraang salpukin ng isang truck ang dalawang tricycle sa Maharlika Highway sa Barangay Ikirin, Pagbilao, Quezon kaninang umaga.

Sa imbestigasyon ng Pagbilao Police, sinalpok ng isang elf truck ang 2 tricycle na may sakay na 7 katao kabilang ang isang bata.

Ayon sa mga awtoridad dead on arrival ang apat sa mga sakay na kinilalang sina Teodoro Balitaan, Justina Balitaan, 65 anyos, Maryrose Ravano, 30 anyos, at ang 5 taong gulang na si Princes Lara Lopez, mga residente ng Barangay Binahaan, Pagbilao.

Malubha naman nasugatan ang driver na si Marvin Aro Lopez at isa pa sa mga pasahero na si Marilyn Lopez, 48 anyos.

Samatala sugatan din ang driver ng pangalawang tricycle na si Rey, 42 at ang pasahero nito na si Nilda Peñarubia, 56 anyos, kapwa taga Barangay Pinagbayanan, Pagbilao.

Nabatid na nabundol ng truck ang unang tricycle papunta sa kasunod na tricycle.

Sa lakas ng pagkakabangga, napahiwalay ang sidecar sa motor ng isa sa mga tricycle.

Tumilapon ang ibang mga sakay ng dalawang tricycle sa kalsada na isinugod sa ospital sa Lucena City.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa aksidente.

Allan LLaneta

Please follow and like us: