MPD Station 11, isinailalim sa lockdown matapos magpositibo sa Covid-19 ang 46 na pulis

Apatnapu’t anim pulis mula sa Binondo Police Station ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay MPD Director Police Brigadier General Leo Francisco, sa 43 pulis na ito ay 2 ang nasa ospital pa.

Habang ang iba ay nasa quarantine facilities na.

May 87 pulis sa Binondo station ang nakatakda pa aniyang isailalim sa RT PCR test.

Sa kabuuan ay nasa 241 ang personnel ng MPD Station 11.

Isasailalim rin sa disinfection ang buong Binondo Police Station at sinimulan na rin ang contact tracing.

Madz Moratillo

Please follow and like us: