4,387 COVID-19 cases, naitala ngayong araw

160999150_4236292976381922_5513092213458622189_o

Hindi pa rin bumababa sa mahigit apat na libo ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 kada araw.

Ngayong Marso 17, 2021, nakapagtala ang Department of Health ng kabuuang 4,387 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Umaabot naman sa 374 ang bilang ng gumaling at 18 ang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 9.7% (61,733) ang aktibong kaso, 88.3% (561,099) na ang gumaling, at 2.02% (12,866) ang namatay.