5.024 Trilyong pisong 2022 National budget, pinirmahan na ni Pangulong Duterte sa Malakanyang

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang ang 2022 National budget na nagkakahalaga ng 5.024 trilyong piso.

Sinaksihan ng mga mambabatas ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang budget signing na pinamumunuan nina Senate President Tito Sotto at House Speaker Lourd Allan Velasco.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe na napakahalaga ang 2022 National budget dahil dito huhugutin ng pamahalaan ang mga pondo na gagamitin sa patuloy na pagharap sa pandemya ng COVID-19 lalo na at nagbabanta ang muling paglobo ng kaso ng coronavirus sa bansa dahil sa omicron variant at pagtustos sa mga infrastructure projects sa ilalim parin ng build build build program.

Inihayag ng Pangulo na sa huling yugto ng kanyang panunungkulan ay mapupunta sa tama at hindi sa korapsyon ang pondo ng pamahalaan para sa pagbabago na magiging legacy ng Duterte administration.

Vic Somintac

Please follow and like us: