5.024 Trilyong pisong 2022 National budget , pipirmahan na ni Pangulong Duterte sa December 30 – Malakanyang

Lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa December 30, 2021 araw ng Huwebes ang 2022 national budget na nagkakahalaga ng 5.024 trilyong piso.

Ito ang kinukpirma ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles sa kanyang regular press briefing sa Malakanyang.

Sinabi ni Nograles na natapos na ng Office of the President ang ginawang pag-review sa mga probisyon ng National budget.

Ayon kay Nograles hindi natuloy ang pagpirma ng Pangulo sa National budget noong December 28 dahil nais ng Chief Executive na busisiin muna ang pambansang pondo upang matiyak na walang probisyon na lalabag sa konstitusyon.

Inihayag ni Nograles na ginagamit ng Pangulo ang kanyang veto power kapag may nakitang probisyon ng national budget na lumalabag sa batas.

Vic Somintac

Please follow and like us: