5 CA justices at 1 Sandiganbayan justice pasok sa shortlist ng JBC sa mababakanteng puwesto sa SC

Natanggap na ng Malacañang ang shortlist para sa babakantehing posisyon sa Korte Suprema ni Senior Associate Justice Estela Perlas- Bernabe.

Limang Court of Appeals justice at isang Sandiganbayan justice ang kasama sa listahan na isinumite ng JBC sa Palasyo.

Ang mga ito ay sina CA Justices Ramon Cruz, Maria Elisa Diy, Ronaldo Roberto Martin, Maria Filomena Singh, Fernanda Peralta, at Sandiganbayan Justice Geraldine Faith Econg.

Si Bernabe ay magreretiro sa Mayo 14 sa edad na 70 taong gulang na mandatory retirement age ng SC justice.

Moira Encina

Please follow and like us: