5 pasahero na dumating sa bansa mula South africa nahanap na – DOH

Dalawang pasahero nalang na dumating sa bansa mula sa South Africa ang hinahanap ngayon ng pamahalaan.

Ito ay matapos ma-locate na ang 5 iba pang pasahero na hinahanap ng Department of Health.

Lahat sila ay kabilang sa 253 pasahero na nakapasok sa bansa bago pa naipatupad ang travel ban sa South Africa dahil sa Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, ang dalawang hinahanap na ito ay mula sa Region 10 at 4B.

Pareho silang returning overseas Filipinos at parehong dumating sa bansa noong November 22 at parehong may negative RT PCR test.

Madz Moratillo

Please follow and like us: