5 patay, kabilang ang apat na bata sa sunog sa Parola, Tondo, Maynila

Lima ang patay habang limang iba pa ang sugatan sa naganap na sunog sa No. 662, Area F. Gate 20, Parola Compound, Tondo, Maynila.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jake Loyola 37 anyos, Kiefer Loyola 10 anyos, Noah Loyola, 3 anyos, Richard Tigas, 1 anyos at Jeric Tigas 12 anyos.

Dinala naman sa pagamutan ang mga sugatan.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Manila, nagsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Loyola bandang alas 11:45 kagabi.

Mabilis na kumalat ang apoy sa kabahayan sa lugar na umabot sa ikaapat na alarma at naapula ito alas 6:00 na ng umaga ngayong Linggo.

Tinatayang 3 milyong piso ang halaga ng pinsala.

Nagpaabot na ng tulong ang mga lokal na pamahalaan ng Maynila at iba pang pribadong sektor para sa mga nasunugan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng awtoridad sa nangyaring sunog.

Joel Sales, EBC Correspondent

Please follow and like us: