500 Pinoy sa Bahrain nakinabang sa libreng health check-up ng PH Embassy sa Manama

Kabuuang 500 Pilipino sa Bahrain ang nakinabang sa libreng health check-up na inorganisa ng Embahada ng Pilipinas sa Manama, Kingdom of Bahrain.

Nakipag-ugnayan ang embahada sa Al Hilal Medical Center–Manama para sa medical mission sa mga Pinoy.

Kabilang sa check-up ang libreng blood testing, kidney screening, liver screening at total cholesterol count.

Sa oras na maging available ang blood test results, kukunin ito ng mga Pinoy sa ospital at maaaring mag-avail pa ng libreng konsultasyon na valid ng 10 araw.

Nagkaloob din ang Al Hilal Medical Center ng special discount card para sa Pinoy patients na valid hanggang July 31, 2023.

Pinagkalooban din ang mga Pilipino ng Vitamin D Check-Up Vouchers at cash vouchers na puwedeng gamitin para sa konsultasyon.

Ang inisyatiba ay bahagi ng hakbangin ng embahada para mapangalagaan ang kalusugan ng Pinoy community sa Bahrain.

Moira Encina

Please follow and like us: