500,000 doses ng Coronavac COVID-19 vaccines, dumating sa NAIA

Dumating na sa bansa ang ikalawang batch ng CoronaVac COVID-19 vaccines na binili ng pamahalaan mula sa Sinovac Biotech Ltd. na naka-base sa China.

Sinalubong ng mga opisyal ng National Task Force Against COVID-19 ang 500,000 doses ng CoronaVac COVID-19 vaccine nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Linggo ng hapon, Abril 11, 2021.

Ang unang batch ng CoronaVac ay dumating sa bansa noong Marso 29, 2021 na may kabuuang isang milyong doses. Kabuuang 25 milyong doses ng nasabing bakuna ang binili ng pamahalaan na inaasahang maidedeliver lahat sa bansa bago matapos ang taon.

Bukod pa dito ang donasyon ng China na 600,000 doses na naunang dumating sa bansa noong Pebrero 28, 2021, na sinundan pa ng isang milyong doses na dumating noong Marso 29, 2021.

Please follow and like us: