5,807 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong Sabado

Pumalo na sa 2,751,667 ang kabuuang kaso ng Covid-19 at 63,051 active cases sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 5,807 kaso ng virus infection ngayong araw.

Ayon sa a Department of Health (DOH), 2 laboratoryo ang bigong makapagsumite ng mga datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Samantala, umakyat naman sa 2,647,031 ang kabuuang gumaling sa karamdaman matapos maragdag ang 9,578 bagong recoveries.

Habang nakapagtala ng bagong 65 bagong mga namatay kaya umabot na sa 41,585 ang death toll ng bansa sa Covid-19.

Please follow and like us: