6 sa mga nasawi sa Delta variant ay local cases – DOH

Anim sa mga nasawing nagpositibo sa Delta variant ng COVID-19 ay local cases.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, isa rito ay taga-San Nicolas, Ilocos Norte, isa sa Balanga, Bataan, isa sa Pandan, Antique, isa sa Pandacan, Maynila at 2 naman sa Cordova, Cebu.

Ang 2 sa mga nasawing Delta cases ay Returning Overseas Filipinos.

Lima sa mga nasawi ay lalaki, na nasa pagitan ng mga edad 27 hanggang 78 taong gulang.

Ang 3 aniya rito ay hindi pa nababakunahan kontra Covid-19 habang bineberipika naman ang 5.

Madz Moratillo

Please follow and like us: