603 bagong kaso ng Covid-19, naitala ng DOH ngayong Linggo

Nakapagtala ng 603 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Dahil dito umabot na sa 2,834,775 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 13,853 ang aktibong kaso.

Samantala, may 1,047 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,771,536 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa bansa.

May 156 ding naiulat na bagong nasawi, kaya umabot na sa 49,386 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Please follow and like us: