86 bagong nakarekober mula sa Covid-19, naitala sa hanay ng PNP

Nakapagtala ng panibagong 86 bagong mga gumaling ang Philippine National Police mula sa Covid-19.

Ayon sa datos ng PNP Health Service ngayong July 15, 2021, dahil sa mga bagong recoveries, umakyat na sa 27,674 ang kabuuang mga gumaling sa karamdaman.

Gayunman, nakapagtala rin ng karagdagang 63 kaso ng Covid-19 sa kanilang hanay kaya pumalo na sa 29,137 ang kabuuang kaso na may 1,386 active cases.

Wala namang naitalang bagong mga namatay kaya nanatili sa 77 ang death toll.

Please follow and like us: