Lebel ng tubig sa Pasig river, tumaas dahil sa Bagyong Ulysses

Dahil sa lakas ng ulan dulot ng Bagyong Ulysses tumaas ang tubig sa Pasig river.

Kaya naman pinasok rin tuloy ng tubig baha ang mga lugar na malapit dito gaya ng Hospicio de San Jose sa San Miguel, Maynila.

Sa tulong naman ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard, inilipat ang mga senior citizen at ilang mga kabataan sa mas mataas na lugar sa loob rin ng compound ng Hospicio.

Aabot sa 40 na senior citizens at hindi bababa sa walong kabataan ang inilipat sa mas ligtas na lugar.

Makikita sa mga larawan ang ilang senior citizen ay nakasakay sa wheelchair habang ang iba ay nakaupo sa monobloc chair na ipinatong naman sa hospital bed na ginamit sa paglipat sa kanila.

Madz Moratillo

Please follow and like us: