Mga nagkaroon ng exposure sa pulis noong SONA ni Pangulong Duterte, hinikayat na makipag-ugnayan sa mga LGU
Hinikayat ng Department of Health ang mga dumalo sa mga aktibidad na ginawa sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Duterte na makipag-ugnayan sa kanilang mga lokal na pamahalaan.
Ang apila ay ginawa ni Health Usec Ma Rosario Vergeire kasunod ng ulat na 82 pulis sa Quezon City ang nagpositibo sa COVID-19.
Mayorya sa kanila, naideploy pa noong SONA.
Ayon kay Vergeire, kahit sinong pulis ang nakasalamuha noong SONA, agad makipag-ugnayan sa mga LGU.
Ito ay upang maituro aniya sa mga ito ang dapat na gawing hakbang bilang pag-iingat sa COVID- 19.
Aminado si Vergeire na nagkaroon ng breach of protocol dahil kung isinailalim sa COVID- 19 test ang mga pulis dapat naka quarantine muna sila bago idineploy.
Kung hindi pa alam ang results ng test, dapat hindi muna sana aniya idineploy ang mga ito.
Madz Moratillo