Operasyon ng LRT-1, naantala dahil sa lalaking tumalon sa riles

Photo: Raymart Matt Lumibao

Naantala ang operasyon ng LRT-1 matapos tumalon ang isang lalaki sa riles ng tren sa Monumento Station, bandang alas 4:40 kaninang madaling araw.

Ayon sa paunang imbestigasyon, bigla na lang tumalon ang lalaki na nakilalang si Georick John Labrador,
22-anyos at taga Sta. Maria, Bulacan habang paparating ang isang tren sa northbound ng Monumento station.

Photo: Raymart Matt Lumibao

Sinabi ni Light Rail Manila Corporation (LRMC) spokesperson Jacqueline Gorospe, buhay at may malay nang maisalba ng mga tauhan ng LRT-1 at mga rumespondeng awtoridad ang lalaking tumalon, at dinala sa malapit na pagamutan.

Samantala, pansamantala munang nilimitahan ang operasyon ng LRT-1 dahil sa pangyayari.

Ibinalik naman sa normal ang operasyon sa lahat ng istayon ng LRT-1 bandang ala-5:59 ng umaga.

Mark Leo Pernia

Please follow and like us: