Umano’y master initiator sa Salilig hazing, sinampahan na rin ng reklamo sa DOJ

Iniharap sa inquest proceedings sa DOJ ang “master initiator” sa Tau Gamma Phi hazing na sinasabing dahilan ng pagkamatay ng Adamson University student na si John Matthew Salilig.

Sinampahan ng reklamong paglabag sa Anti- Hazing Law si Daniel Perry alyas Sting.

Hiniling ng nasabing suspek sa DOJ prosecutors na maisailalim sa preliminary investigation ang reklamo laban sa kaniya.

Courtesy: Radyo Agila

Ayon sa Biñan City police, inamin ng suspek sa kaniyang salaysay na kasama ito sa mga pumalo kay Salilig sa welcoming rites.

Sinabi ng pulisya na mahalaga ang mga impormasyon na nakuha mula sa suspek dahil kasama ito mula sa hazing hanggang sa paglilibing ng biktima

Una na ring kinasuhan ng hazing complaint ang anim na iba pang fratmen na dawit sa insidente.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *