BuCor Global City, itatayo sa Bilibid compound sa Muntinlupa City

Gagawing BGC o BuCor Global City ang lupang kinatatayuan ngayon ng headquarters ng Bureau of Corrections at New Bilibid Prisons sa Lungsod ng Muntinlupa.

Sinabi ni Bagong BuCor Director-General Gregorio Catapang Jr. na sa halip ibenta ay parentahan nila ang nasa 350 ektaryang lupain ng kawanihan at ang pondo mula rito ay gagamitin sa modernisasyon at regionalization ng mga kulungan nito.

Courtesy: Radyo Agila

Isa ito sa mga prayoridad ng bagong liderato ng BuCor sa ilalim ng development plan hanggang 2028.

Magiging public-private partnership (PPP) aniya ito kung saan ang lupain ay iku-convert para sa commercial at agro-industrial use at maging para sa business process outsourcing.

Una nang inihayag ni Catapang na unti-unting ililipat ang mga persons deprived of liberty (PDL) na nasa bilibid sa mga piitan ng BuCor sa lalawigan.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *