Pagkalat pa ng wildfire sa Northern California, pinangangambahan

Pinangangambahan ang posibleng pagkalat ng wildfire sa mga kalapit na bayan at estado ng Northern California .

Nilinaw ng California Fire protection na ito ay dahil sa marami pa ring aktibong wildfire sa kabundukan ng lugar.

Dahil dito, naghahanda na sa posibleng paglikas ng mga residente na maaring maapektuhan ng wildfire.

Hanggang ngayon ay blangko parin ang mga awtoridad kung kailan tuluyang maaapula ang sunog na pinatindi pa ng malakas na ihip ng hangin.

Nabatid na aabot na sa 21 ang nasasawi habang 600 naman ang patuloy na nawawala sa naturang wildfire.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *