Isang construction worker patay nang aksidenteng mahulog sa ikatlong palapag ng isang gusali sa Roxas City,Capiz.

Isang Construction Worker ang namatay matapos itong mahulog sa ikatlong palapag ng isang gusali sa Alvarez subdivision Brgy. 10 Roxas City, Capiz

Kinilala ang biktima na si Rustico Cerna, 57 taong gulang.

Ayon sa salaysay ng pamangkin nito na si Alvin Cerna, nakita na lamang ng mga kasama nito ang biktima na nakahandusay sa harap ng nasabing gusali .

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis upang alamin kung may foul play bang naganap sa pagkamatay ng biktima.

Ulat ni Neal Flores

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *