Mandatory online transactions, ipinatutupad na ng SSS

Mandatory online transaction at checkless disbursements ang ipinatutupad ng Social Sceutiy System (SSS).

Ayon sa SSS,  layunin nito na  ma-proteksyunan ang kanilang mga miyembro sa panganib na dulot ng Covid-19 kung isasagawa ang face to face interactions.

Magiging mas mabilis, ligtas , mas convenient, at hindi magastos  ang anumang dokumento na kailangang iparehistro.

Bukod dito, magiging mas madali na din ang  pagsusumite  ng  Loan at Benefit applications gayundin sa pagtanggap ng loan proceeds at cash benefits mula sa SSS.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio, isa itong paraan ng pagsuporta nila sa healthcare workers upang makontrol ang pagkalat ng Covid-19.

Sinabi pa ni Ignacio na kasama sa Mandatory online transactions  ang filing  ng Salary at Calamity loans, Sickness benefit reimbursement application (SBRA) para sa mga  employers, aplikasyon ng  Social Security (SS) Number, Employment Report (R1A), submission ng Sickness at  Maternity notification  gayundin ang  filing  ng Unemployment, Retirement, at Funeral Benefit claims na may e-disbursement.

Para sa  online transactions, ang mga miyembro, employers, at pensioners ay kailangang may sariling  My.SSS account.

Kapag naipasok na ang  SSS registration, kailangan din nilang irehistro ang kanilang disbursement account sa pamamagitan ng  Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) para sa  disbursement ng kanilang  loan at benefits.

Belle Surara

Please follow and like us: