Claimant ng P 1.5 milyong halaga ng Kush Marijuana shipment, arestado

Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at PDEA Region 7 ang claimant ng cargo ng kush Marijuana sa Cebu City.

Sa rekord ng BOC, ang cargo ay idineklara bilang “Shisha” at ipinadala ng isang Richard Mrozek mula sa Spain at naka- consigne naman sa isang Mateo Abato na taga Cebu City.

Matapos ang ginawang profiling ng BOC-NAIA sa cargo natukoy na mayroon rin pala itong kasamang Kush Marijuana.

Kaya naman agad silang nakipag-ugnayan sa PDEA at NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group para sa karagdagang pagsusuri at nakumpirmang Kush Marijuana nga ito.

Sa kabila ng pagkadiskubre na iligal na droga ang laman ng cargo, itinuloy parin ang delivery na nagresulta sa pagkakaaresto sa claimant nito sa Cebu.

Madz Moratillo

Please follow and like us: