COVID-19 cases sa bansa, mahigit na sa isang milyon -DOH

Pumalo na sa 1,006,428 ang kabuuang kaso ng COVID -19 na naitala sa bansa.

Ito ay matapos may naitalang 8,929 bagong kaso ng COVID- 19 ang Department of Health.

Nasa 74, 623 naman ang bilang ng aktibong kaso.

May 11,333 namang naitalang bagong gumaling mula sa sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 914, 952 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID- 19.

May 70 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umakyat na sa 16, 853 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID- 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: