Mga nasa A4 at A5 category babakunahan na rin

Kinumpirma ni Senator Bong Go na maaring masimulan na ang pagtuturok ng bakuna sa mga nasa A4 AT A5 category.

Nakipagpulong na kagabi si Go na Chairman ng Senate Committee on Health, sa mga opisyal ng ehekutibo at leader mula sa mga pribadong sektor para mapabilis ang roll out ng mga bakuna.

Ayon kay Go , kasama sa mga natalakay ay ang pagsisimula ng pagbabakuna sa mga nasa A4 at A5 priority list para mas mapabilis ang roll out ng mga bakuna sa mga kritikal na lugar gaya ng NCR, Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao.

Kabilang sa mga nasa A4 ay ang mga frontliner at essential workers habang nasa A5 category naman ang mga indigent population.

Giit ng Senador , dapat mauna ang mga ipinangako ng Pangulo na babakunahan ang mga isang kahig isang tuka na araw araw lumalabas ng bahay para buhayin ang kanilang pamilya gaya ng mga nasa A5 category.

Meanne Corvera

Please follow and like us: