Active cases ng COVID-19 sa bansa,mahigit 28 libo nalang

Bumaba na sa 28,660 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 1,974 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 2,388 ang naitalang bagong gumaling.

May 142 namang naiulat na bagong nasawi dahil sa virus,kaya umabot na sa 44,866 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 2,811,248 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,737,722 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: