Active cases ng Covid-19 sa Batanes, sumampa na sa 527

Pumalo na sa 527 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Batanes.

Sa datos ng Provincial Information desk kahapon, September 30, 2021, nakapagtala ng panibagong 59 kaso ng virus infection sa lalawigan.

Dahil dito, umakyat na sa 575 ang kabuuang kaso sa lalawigan.

Nakapagtala rin ang Batanes ng bagong 8 nakarekober sa Covid-19 kaya umakyat na sa 46 ang total recovered cases.

Habang 2 naman ang naitalang namatay dahil sa virus.

Muling pinapaalalahanan ang mga residente na sumunod sa mga alituntunin upang makaiwas sa banta ng COVID-19 lalo na ang minimum health standards.

Please follow and like us: