Active cases ng Covid-19 sa mga medical frontliner, tumaas

Umakyat sa 235 ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa hanay ng mga Healthcare worker.

Sa datos ng Department of Health, ang 140 rito ay mild, 55 ang asymptomatic, 11 ang nasa moderate condition, 20 ang severe at 9 ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa kabuuan, umabot na sa 22,457 health workers ang tinamaan ng Covid 19.

Nakarekober naman na ang 21,120 sa kanila habang may 102 ang nasawi.

Pinakamarami sa mga tinatamaan ng Covid 19 ay sa hanay ng mga nurse na sinundan ng mga doktor at nursing assistant.

Madz Moratillo

Please follow and like us: