Active cases ng COVID-19 sa PGH mas mababa na sa 100

Umabot nalang sa 99 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID- 19 sa Philippine General Hospital.

Ang PGH ay isa sa COVID-19 referral hospital na itinalaga ng Department of Health.

Batay sa datos, hanggang nitong Marso 2, isa nalang ang naka admit sa PGH na probable COVID- 19 case, 14 na suspected caseS.

Mula noong Pebrero ng nakaraang taon, umabot na sa 9,161 ang bilang ng na-admit na pasyenteng may COVID-19 sa PGH.

May 2,068 naman ang nasawi, at may 6,875 naman ang nakarekober na at nadischarge sa ospital.

Madz Moratillo

Please follow and like us: