Admin office ng National Archives sa Maynila, nasunog; Tinatayang nasa 800,000 ang halaga ng pinsala

Natupok ng apoy ang isang tanggapan ng National Archives sa United Nations Avenue, sa Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sunog ala-1:04 ng madaling-araw ng Linggo sa Chief Administrative office na nasa ika-anim na palapag ng PPL Building.

Umabot pa ng ikalawang alarma ang sunog pero tuluyan nang naapula pasado alas-3:00 ng umaga.

Walang naiulat na nasaktan o namatay sa sunog at wala ring mahalagang dokumentong nasunog.

Sinabi pa ng BFP na wala ring ibang tanggapan sa gusali ang nadamay sa sunog bagamat tinatayang aabot sa 800,000 ang halaga ng natupok na ari-arian.

Please follow and like us: