Aksidente sa bangka sa Bangladesh 26 patay

Bangladesh boat collision AFP

DHAKA, Bangladesh (AFP) – Hindi bababa sa 26 ang nasawi sa Bangladesh, matapos bumangga ang isang speedboat na puno ng pasahero sa isang vessel na may kargang buhangin.

Ayon sa pulisya, ang speedboat na may sakay na 3 dosenang pasahero mula sa bayan ng Mawa, ay bumangga sa isa pang vessel sa Padma river habang papalapit ito sa main river station sa central rural town ng Shibchar.

Sinabi ni police official Amir Hossain, na 26 na bangkay ang kanilang narekober kung saan isa rito ay isang babae, habang lima katao naman ang kanilang nailigtas kasama ang tatlong bata.

Ayon pa kay Hossain, ang unahang bahagi ng bangka ay nawasak nang bumangga ang speedboat sa gilid ng transport vessel, kaya lumubog ito sa ilog ilang minuto makalipas ang aksidente.

Anya, nagsasagawa na ng search at rescue operation ang mga pulis, fire brigade at mga sundalo.

Kwento ng saksi na si Abdur Rahman, may malakas na tunog nang bumangga ang bangka sa transport vessel pagkatapos ay bumaligtad na ito.

Ayon kay Rahman . . . “When we rushed to the spot we found the speedboat torn into two pieces. Hundreds of villagers immediately started conducting rescue work before they were joined by police and the fire brigade.”

Kasalukuyang itinatayo sa lugar na pinangyarihan ng aksidente, ang pinakamalaking kalsada sa Bangladesh.

Sinabi naman ng government administrator ng Shibchar district, na aabot sa limankatao ang pinaniniwalaang nawawala.

Aniya, iimbestigahan din ang driver ng speedboat dahil lumilutaw na siya ang bumangga sa transport vessel na naka-angkla nang mangyari ang aksidente.

@agence france-presse

Please follow and like us: